A message from LBPEA Visayas Director SONIA D. BROTARLO
Thu Nov 16, 2017 10:30 am by sonia
It has been two (2) years and six (6) months that this website was closed. Many were disappointed with the closure but we have to keep up with the fast changing technology - facebook and twitter, among others.
With the remaining one month and a half of my stint as Director for Visayas, I have been ruminative as to the manner of my “consummatum est” in LBPEA. Thus here I am re-opening the website pro hac vice for my grand exit.
This is the medium where you first knew me and this is where I want to personally reach out to you to express my deepest and heartfelt “THANK YOU” for all the years that you trusted me.
[ltr]Talumpati ng Kagalang-galangang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Sa araw ng paghahatid ng dibidendo ng Government Owned- and -Controlled Corporations[/ltr]
[Inihayag sa Bulwagang Rizal, Palasyo ng Malacañan noong ika-9 ng Hunyo, 2014]
Vice President Jejomar Binay; Senate President Franklin Drilon; Secretary Cesar Purisima; Secretary Florencio Abad; Secretary Jun Abaya; Secretary Joel Villanueva; of course, Senator Cynthia Villar; Representative Jesus Sacdalan; Undersecretary Rosalia de Leon of the National Treasury; officials of the Government Owned or Controlled Corporations; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:
Talagang maganda ho ang araw, at maganda ang umpisa ng linggong ito.
Mukhang marami tayong mapopondo sa lahat ng pangangailangan ng bansa dahil sa pagsisipag niyo, kaya maraming salamat pong muli. [Applause]
Ilang ulit na po nating nasabi: Ang matuwid na pamamahala ang susi sa maunlad na ekonomiya. Muli na naman itong napatutunayan ngayong araw, at kung sinumang magdududa at babatikos ay tiyak na nagbubulag-bulagan na lamang sa nagaganap na transpormasyon. Meron din ho yatang tulong ang Philhealth para sa mga nagbubulag-bulagan. [Laughter]
[ltr]Bawat taon, naisasabuhay ninyo ang inyong tunay na layunin: Ang maging tagapagtaguyod ng makabuluhang serbisyo at malawakang pag-unlad. Tapos na ang panahon kung kailan ang mga GOCC ay ginamit ng iilan para pakapalin ang sariling bulsa; kung saan ang mga GOCC ay ginawang tambayan at parking space ng mga kabarkada at alipores ng iilang makapangyarihan. Nagpatupad tayo ng reporma, at habang umuusad ang panahon, lalo nating pinagtitibay ito; lalo nating ginagawang masigasig ang pagtatrabaho tungo sa pagbabago; at lalong nagiging imposible na bumalik pa sa dating sistema.[/ltr]
[ltr]Naaalala pa naman po siguro ninyo: Noong nagsimula po tayo, kung sino pa ang nagwaldas at nagbulsa ng pondo ng mga GOCC, sila pa ang pinakamaingay sa mga kritiko natin. Nagbato sila ng putik, nagpakalat ng kung anu-anong kontrobersya sa media. Ang gusto nilang palabasin: wala naman talagang mangyayaring pagbabago, at mananatili ang kultura ng panlalamang, palakasan, at katiwalian—kahit sino pa ang maupo sa gobyerno.[/ltr]
[ltr]Sa araw na ito, malinaw na malinaw: Hindi tayo katulad nila. Tingnan na lamang po natin ang kabuuang halaga ng dibidendong nailagak natin sa kaban ng bayan mula nang maisabatas ang ating GOCC Governance Act of 2011—na, by way of commercial, itinulak po ng The Big Man of the Senate, si Senate President [Franklin] Drilon. [Applause][/ltr]
P95.38 bilyon—tatlo at kalahating taon pa lamang ang lumilipas, nalampasan na natin ang sumatotal ng dibidendo ng mga GOCC—na nagkakahalaga ng P81.54 bilyon—mula 2002 hanggang 2010. Ibig pong sabihin nito, para mas maliwanag, ang average po nila, 9.06 bilyon sa loob ng siyam na taon ay natabunan na natin ng average na 27.25 bilyon sa ating tatlo at kalahating taon. [Applause] Ang tanong nga po ngayon, kung kaya pala itong gawin ng mga GOCC, bakit hindi nagawa noon? Napag-usapan namin ito ni Vice [President], saan kaya napunta ‘yung diperensyang mga P18 billion per year? At ngayong nagagawa na natin ito, magiging sukatan na sana ito ng inyong pagtatrabaho: Ang patuloy na pagpapataas ng dibidendong matatanggap ng gobyerno at sa huling bahagi ng taong-bayan. Sa tapat na pamamahala, mas marami tayong pondo para sa makabuluhang programa at serbisyo sa mamamayang Pilipino; natitiyak nating bawat pisong kinikita ng pamahalaan ay napupunta sa pagsusulong ng kapakanan ng ating mga kababayan.
Halimbawa nito ang isinasagawang mga hakbang ng Governance Commission for GOCCs, sa pangunguna ng ating masigasig na Chairman Cesar Villanueva, upang lalong maitaguyod ang sektor ng GOCC bilang tunay na kabalikat sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Sa simula pa lang ng ating pamamahala, tinukoy natin ang mga ugat ng mga suliranin sa inyong sektor upang makapaglatag ng tamang solusyon. Inalam po natin at in-abolish ang mga GOCC na hindi naman kailangan, habang isinasaayos naman ang mga korporasyong may pareho o paulit-ulit na mandato.
Gayundin, naglatag tayo ng mga inisyatiba upang mailayo ang ating mga empleyado sa tukso ng katiwalian; at bigyang insentibo ang kanilang pagpili na manatili sa serbisyo-publiko. Pinag-aaralan na po natin ang mga mekanismong maglalapit sa natatanggap na kompensasyon ng ating mga personnel sa kinikita ng mga nasa pribadong sektor. Nais po nating mabigyan sila ng tamang timpla ng basic pay at allowance, upang masuklian ang kanilang buong-pusong paglilingkod sa bayan. Kaugnay nito, ipinapatupad na rin natin ang makatwirang pagbibigay ng bonus at incentive ng isang empleyado. Winakasan po natin ang kultura ng hokus-pokus at palakasan sa mga GOCC. Ang pondo na dati-rati’y dumidiretso sa bulsa ng iilan, nagagamit na po natin upang bigyan ng karampatang insentibo ang mga tunay at tapat na naglilingkod sa bayan.
Para naman po sa mas bukas at epektibong pamamahala, nariyan ang binubuo nating Integrated Corporate Reporting System. Dito po ilalagak ang mga impormasyon ukol sa gawain ng ating mga GOCC. Sa inisyatibang ito, mas mapapahusay ang ugnayan ng ating mga ahensya at korporasyon ng gobyerno. Kapag nakumpleto na ito, maaaring bisitahin ng ating mga kababayan ang kanilang website ano mang oras. At ito ang magbibigay sa kanila ng higit na kakayahan upang makilahok sa mabuting pamamahala.
Talaga nga pong malayo na ang ating narating sa ating paglalakbay sa tuwid na landas. Kapag sinabing “gobyerno kasi,” negatibo ang ibig-sabihin. Napakaraming pasikut-sikot sa mga proseso, napakabagal ng serbisyo, at hindi ka sigurado kung saan napupunta ang kaban ng bayan. Pero ngayon po, sa tulong ng inyong pakikiambag, nagbabago na ang mukha ng gobyerno. Ang dating pabigat, natabas na. Ang dating nakakasagabal, ngayon ay katuwang na. Gayundin, ang mga pinatulo ninyong pawis at ang patuloy ninyong paninindigan ang pinakamalakas nating kalasag sa mga nagbabato ng duda at intriga habang nagsusulong tayo ng transpormasyon sa lipunan. Binabati ko at pinapasalamatan ang bawat pinuno at empleyado ng mga Government-Owned and Controlled Corporations, pati na ang GCG. Malinaw po: Ang tagumpay ng ating mga pagpupunyagi ay tagumpay ng bawat Pilipino.
Kasabay ng pagbati ko sa inyong naiambag, inaasahan kong hindi kayo magsasawa sa masigasig na pagtupad sa inyong mga tungkulin. Nailatag na natin ang mga pundasyon. Sama-sama nating abutin ngayon ang mas matatayog pang pangarap. Gamitin natin ang pagkakataong ibinigay sa atin upang siguruhin na kapag may Juan o Juanang nagsabing “gobyerno kasi,” ang tinutukoy niya ay isang pamahalaang mabilis sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, matapat sa paglilingkod, at walang ibang isinusulong kundi ang interes ng buong sambayanan.
Magandang araw po. Maraming salamat po sa inyong lahat.
manongjong16
Number of posts : 34 Registration date : 2009-08-17
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 10:57 am
" Pinag-aaralan na po natin ang mga mekanismong maglalapit sa natatanggap na kompensasyon ng ating mga personnel sa kinikita ng mga nasa pribadong sektor. Nais po nating mabigyan sila ng tamang timpla ng basic pay at allowance, upang masuklian ang kanilang buong-pusong paglilingkod sa bayan. Kaugnay nito, ipinapatupad na rin natin ang makatwirang pagbibigay ng bonus at incentive ng isang empleyado."
KAILAN KAYA NATIN MATANGGAP ITONG MGA PROMISES NA ITO MAM SONIA???? I THINK EVERY YEAR, LANDBANK PO ANG MAY PINAKAMALAKING CONTRIBUTION PARA SA BAYAN PERO HANGGANG NGAYON DISAPPROVE PA RIN YUNG SALARY INCREASE NATIN AT SAKA PBB...
#promisespromisespromises #ngangaparin
bob587
Number of posts : 92 Registration date : 2011-11-26
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 11:56 am
Alam mo.Timely na sana ang okasyong iyon para ibulong ng president o chairman ng Landbank ky P-noy o sa kong sinong malapit sa kanya ang follow-up ng mga hinihingi natin.Iyon ay kong talagang gusto nilang tumulong.
BLITZ
Number of posts : 181 Registration date : 2011-06-29
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 12:13 pm
Pinag-aaralan pa lang (?) sobra naman na atang pag-aaral yan o baka naman hindi nya alam status ng CPCS? By the time na tapos na ang pag-aaral sa CPCS, outdated na at may panibago na namang compensation plan ang SSL. In the meantime, nakanganga pa rin si kawawang rank-and-file samantalang yung counterparts nya ay masaya (dahil mas mataas sahod nila)!
Ano na pala update ng mga nasabing plans at moves ng LBPEA? Baka puro plans lang...just asking
manongjong16
Number of posts : 34 Registration date : 2009-08-17
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 1:07 pm
BLITZ wrote:
Pinag-aaralan pa lang (?) sobra naman na atang pag-aaral yan o baka naman hindi nya alam status ng CPCS? By the time na tapos na ang pag-aaral sa CPCS, outdated na at may panibago na namang compensation plan ang SSL. In the meantime, nakanganga pa rin si kawawang rank-and-file samantalang yung counterparts nya ay masaya (dahil mas mataas sahod nila)!
Ano na pala update ng mga nasabing plans at moves ng LBPEA? Baka puro plans lang...just asking
NGAYON NA PO ANG TAMANG PANAHON NA "DIRECT TO THE POINT" NA TAYO.. DIRETSO NA TAYO KAY PNOY... WAG NA NATIN IDAAN SA PROTOCOL... PARANG YUNG ATING MANAGEMENT YATA ANG NAGPATAGAL SA PROCESS NG ATING MGA BENIFITS...
sonia Admin
Number of posts : 1428 Registration date : 2008-12-16
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 2:02 pm
BLITZ wrote:
Pinag-aaralan pa lang (?) sobra naman na atang pag-aaral yan o baka naman hindi nya alam status ng CPCS? By the time na tapos na ang pag-aaral sa CPCS, outdated na at may panibago na namang compensation plan ang SSL. In the meantime, nakanganga pa rin si kawawang rank-and-file samantalang yung counterparts nya ay masaya (dahil mas mataas sahod nila)!
Ano na pala update ng mga nasabing plans at moves ng LBPEA? Baka puro plans lang...just asking
On PNoy's Speech:
I agree with you Sir Blitz, the CPCS is indeed over reviewed/studied. However, we could interpret the word "Pag-aralan" used by PNoy as I refuse to approve the CPCS since I made a public statement already that there is no salary increase for government workers. Otherwise he could have said that I trusted GCG to have done its job in studying the compensation very well thus I will approve it within the next few months. Considering that P32.31 billion worth of dividends was remitted to the government. In return for a job well done I am approving the CPCS. This could have been the best speech of PNoy ever.
Primarily, it is within GCG's authority to study the compensation package of GOCCs so why is there a need for another study. GCG made it statement that the CPCS will be approved last quarter of 2013 and even on the 1st quarter of 2014. Until now the CPCS is undergoing further study..PhD ang CPCS sobrang aral.
On LBPEA's move: For submission today is LBPEA's resolution to the management containing our appeal for salary increase.
KAMAGGFI will be having a Planning Conference this June 18.
bob587
Number of posts : 92 Registration date : 2011-11-26
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 5:09 pm
Hindi naman siguro dapat na isama niya tayo sa government workers, dahil iyong 50% SSL nila naibigay ng lahat. Iyong sa atin 35 percent lang ata, at amy untog pa.
sonia Admin
Number of posts : 1428 Registration date : 2008-12-16
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 5:24 pm
bob587 wrote:
Hindi naman siguro dapat na isama niya tayo sa government workers, dahil iyong 50% SSL nila naibigay ng lahat. Iyong sa atin 35 percent lang ata, at amy untog pa.
Yon din po Sir Bob ang contention namin na hindi tayo included doon at para lang yon sa SSL covered kaso lang very sweeping ang statement ni PNoy kaya we really have to exert effort and put pressures to get this salary increase. Sa tagal ng aral na ginawa ng GCG mula June 2011 hanggang ngayon pag aaralan pa rin nya. Approval ang hinihingi natin hindi pag aralan.
bob587
Number of posts : 92 Registration date : 2011-11-26
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 5:58 pm
Tama .Di pa natapos na ng GCG ang pag-aaral? Useless pala itong GCG kong ganoon.Kailangan na talaga siguro ang mas agressive na aksyon para makamit natin ang ating hangarin.Susuportahan namin kong ano man ang disisyon ng LBPEA. More Power.
yellowlady
Number of posts : 79 Registration date : 2011-05-09
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ Tue Jun 10, 2014 6:36 pm
Sa kaaral ng GCG, baka maging valedictorian na sila nya? Alam naman natin ang gustong sabihin ng pinag-aaralan pa rin... DISAPPROVED.. ganoon yon no? Ang dapat we need to tap the big 3 broadcast media firm to air our request. or look for a person who is part of the inner circle of Pinoy, like his daughter who was instrumental in the approval of the Interm Increase last 2012.
Sponsored content
Subject: Re: PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ
PRES. AQUINO MENTIONS "KOMPENSASYON" FOR GOCCs IN HIS SPEECH..PLS READ
1. CNA Negotiation between LBPEA and Mgmt - 3rd session is on December 15, 2017
2. SSL 4 was submitted by the LBP Mgmt on November 16 for follow up this 2nd week of December
3. PBB for GOCCs was submitted by GCG to Malacanang- LBP and other GOCCs await for the approval of this PBB
MEDICARD CONTACT NUMBERS
Availment/Coveraqe: MEDICard 24-hour numbers: Trunk line (02) 841-8080/
Toll free Number — 1800-1888-9001
In-patient issues/concerns: In-Patient: (In-House Provincial Liaison Officer) Office Hours: Monday to Sunday_8:00 - 6:00 PM just follow the voice prompt in the trunk line for Metro Manila and Provincial Hospitals
Provincial contact numbers for in patient Mobile nos.: 0908 — 226 — 9529 / 0933 — 645 —6754
(open for call & text) Fax Number Metro Manila: 02 — 810 — 3177 Fax Number Provincial: 02— 864 - 0454 Email: inpatient@medicardphils.com
Out-patient issues/concerns: Out Patient Approval (open 24/7) Hotline: (02) 841-8080 Sun Cellular: 0933-308-0693 (Open for Call and Text) Additional SUN number (MediCard Textlink): 09257367862 (Text Only) Globe Number: 0917 — 851 —2468 (text only) Smart Number: 0908— 884— 1814 (text only) Fax Number: (02) 867 — 8511 Email: outpatient@medicardphils.com