Larawan ng mga Basag na Pangarap ng Empleyadong Api (LBPEA )kontra Lider na mga Bato ang Puso (LBP)
(Mga titik at saloobin ni Juanpusong)
LBPEA, LBPEA paano ka ginawa?LBPEA, LBPEA para saan ka ba ginawa?LBPEA, LBPEA sino sino sa inyo ang may ginagawa?LBPEA, LBPEA ikaw ba’y may ginagawa? Unyon at Asosasyon, palagiang hinuhubog ayon sa isang MISYON,
Miyembro’y pangalagaan, protektahan kanyang layon
Kapakanan ay ipaglaban sa lahat ng panahon
Manatiling matatag sa kahit anong unos at lala ng sitwasyon
Sa patuloy na pag-ikot ng ating panahon
Ating asosasyon tila’y wala ng bokasyon
Kalimita’y malamya sa kanyang mga desisyon
Mga miyembro at opisyal iba iba na ang opinyon
Lipas na ang mga panahong Lider mo’y puro matatapang
Di natitinag sa labanang naka ambang
Suporta ay sobra sobra, walang labis walang kulang
Pagkilos ay organisado sa hangaring hindi kanya-kanya at para sa iilan lang
Pakikipaglaban animo’y hilaw at laging pigil
Wala na ang apoy, wala na ang gigil
Paano ka nga ba ipaglalaban ng isang Tigreng walang pangil
Wag sanang dumating ang oras LBPEA ay tuluyan ng tumigil
LBP, LBP paano ka ginawa?LBP, LBP para saan ka ba ginawa?LBP, LBP masaya ba ang iyong mga manggagawa?LBP, LBP ikaw ba’y mayroon pang awa? Organisasyon at Institusyon palagiang may matayog na Ambisyon,
Maging maunlad sa napiling bokasyon
Tingalain at respetuhin sa larangan ng kompetisyon
Manatili sa sirkulasyon sa Habang Panahon
Sa mahigit 50 taong panunungkulan
Ng Bangkong may Damdaming Bayan
Hindi maipagkaila marami kang napaunlad at natulungan
Ngunit bakit sarili mong manggagawa nakakalimutan nang pangalagaan
Subok na ng milyon mong kliyente ang mahusay mong serbisyo
Tinitingala ang katayuan sa larangan ng negosyo
Bilyong piso binabalik mo sa
KABAN ng GOBYERNOWag lang kalimutan, itoy dahil sa bugbog sarado naming pagtatrabaho
Kung seryoso sana ang iyong Damdamin
Na problema’t pangangailangan ng iyong mga kasapi ay pagtu-unan ng pansin
Bakit aming legal na karapatan, hinaing at benepisyong hiling
Kailangan pang sa lansangan ay sapilitang paabutin
Gobyerno, gobyerno paano ka ginawa?Gobyerno, gobyerno para saan ka ba ginawa?Gobyerno, gobyerno ano na ang iyong nagawa?Gobyerno, gobyerno ikaw ba’y mayroon pang magagawa Ang gobyernong Pilipino sa kasaysayan sobrang yaman
Maraming bayani binuwis ang buhay upang mapanatili ang iyong kasarinlan
Sa kamay ng kaaway at mananakop na dayuhan
Upang manatili kang Perlas Ng Silangan
Labinlimang Presidente na ang nagdaan at sayo ay nanilbihan
Ang mga sinauna ay naging tapat, uliran at makabayan
Ngunit kalauna’y naging mapag-imbot sa kaban mo at yaman
Pinairal ay pansariling dahilan at pang-aabuso sa kapangyarihan
Ang kasalukuyan nating pamahalaan
Ipinagmamalaki ang programang Matuwid Na Daan
Matuwid nga ang daan, ngunit tila kabiguan ang hahantungan
Matuwid na daan siguro tungo sa kaban ng yaman na para lang sa iilan
Mga Pinoy na dalubhasa sa ating bansa hindi mo makikita
Sa lupang banyaga, dunong at galling pinapaubaya
Sino nga ba ang ayaw kung umaapaw ang iyong kinikita
Aanhin nga ba ang magsilbi sa bayan kung wala kang mahihita
Empleyado, empleyado paano ka ginawa?Empleyado, empleyado para saan ka ba ginawa?Empleyado, empleyado para saan ang iyong ginagawa?Empleyado, empleyado hanggang saan mo kayang gumawa? Empleyadong Pilipino, ordinaryo man o opisyal
Karapatan mong kumita ng eksakto at marangal
Sa buong araw mong trabaho, isip at katawan parehong pagal
Patuloy mong ginagawa kahit sahod, benepisyo at promosyon mo’y sobrang bagal
Ang lahat ng sakripsiyo hindi alintana
Mapagsilbihan lang ng tama ang kliyenteng nagtitiwala
Ginugugol mong oras sa opisina, sobra sobra pa kesa sa pamilya
Kung minamalas ka, destino mo’y sobrang layo pa
Ang ating pamamaraan ng paglilingkod sa batas daw dapat naayon
Pagkakamali palaging iniiwasan upang ating taga suri hindi tayo makuwestyon
Pero bakit kung tayo ang humiling ng umentong kahit sa batas ay naayon
Ang Landbank todo depensa, kuwestyon, resolusyon at palagiang binabaliktad ang desisyon
Bilang isang payak na empleyadong naninilbihan sa patuloy kong hinahangaang Bangko
Sa kabila ng kanyang pagkukulang na pamumuhay ko’y maiangat ng wasto
Karapatan kong magreklamo kahit sa Bangkong mahal ko
Upang maitama kamalian ninyo kasabwat ng ating malamyang gobyerno.