Log inLog in  HomeHome  PORTAL VIEWPORTAL VIEW  RegisterRegister  
THANK YOU TO ALL WHO HAVE BEEN PART OF THIS WEBSITE...UPDATES WILL BE MADE THRU LBPEA VISAYAS FACEBOOK ACCOUNT

Share | 
 

 KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
juanpusong101

avatar

Number of posts : 162
Registration date : 2009-03-27

PostSubject: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Thu Mar 14, 2013 9:55 am

KUARESMA.... DAMANG-DAMA NA
(by: juanpusong)

Pagka gising ko kaninang umaga
Bigla-bigla ay aking napuna
A-kinse ng Marso ay bukas na pala
Naisip ko tuloy benepisyo'y may matatanggap ba

Alas otso ng umaga nang dumating sa opisina
Mga kasama ko sabay bati, balita ano na
Matamlay kung tugon, bakit wala pa ba
Sumagot ang isa ay naku, asa ka pa

Ilang linngo na lang darating na ang kuaresma
Ngunit bakit sa opisina tila damang-dama na
Mga kasama'y pawang matamlay at balisa
Halos lahat ng kakilala sa LBPEA kanilang inu-usisa

Nabaling aking tingin sa sa aking pitaka
Hindi nga nagtagal at ako ay nagtaka
Noong isang taon lang itoy makapal pa
Aba'y ngayon kupas na'y MANIPIS pa

Pati ATM ko naku zero balance na
Ang LANDBANK VISA ko ayun gasgas na
Sa suki kong tindahan wala na rin siyang BISA
Hindi ko nabayaran mag-iisang buwan na pala

Cellphone ko'y tumunog, may nag text anak ko pala
Papa may honor po ako, sa entablado aakyat ka
Parang gusto kong isagot, anak pwede bang wala na muna
Next year na lang pag benepisyo'y OK na

Hindi na natin kailangan maging dalubhasa
Para maramdaman at ating mahalata
Pang gigipit sa atin, tila sukdulan na
Benepisyong atin na, bakit kelangang may CLEARANCE pa

Sa LBP Management, pati na sa GCG
Kayo ba'y mga bulag, pipi at bingi
Ilang taon ba kaming magtitimpi
Upang aming maramdamang kayo'y aming kakampi

Polo kung itim ay pinaplantsa ko na
Para muling isuot bukas ng umaga
Huwag sanang magtagal at ako'y nangangamba
Baka polo kung itim tuluyang kumupas na

Bago matapos itong buwan ng Marso
Sana'y isang araw tumunog ang cellphone ko
At nawa'y makatanggap ng isang abiso
"Please be informed", pasok na po ang benepisyo




Back to top Go down
danielp



Number of posts : 10
Age : 53
Registration date : 2010-09-01

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Thu Mar 14, 2013 11:58 am

Kung
sa election may "Team Pinoy" "Team Patay" "Team Buhay" "Team Tatay"
"Team Buang" SA LANBDANK MAY "TEAM HINTAY".... Ma "Buhay; Ma "Matay;
Ma "Buang" ang mga "Tatay" sa KAHIHINTAY.... YAN ANG "TEAM HINTAY"
Back to top Go down
nlg0606



Number of posts : 19
Registration date : 2011-05-10

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Thu Mar 14, 2013 1:01 pm

Juanpusong101 pls. post your poem in LBPEA 2013 -2017 group acct at facebook. I like your poem. Mabuhay ka.
Back to top Go down
sonia
Admin


Number of posts : 1425
Registration date : 2008-12-16

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Thu Mar 14, 2013 1:07 pm

I commend the excellence in poetry of our fellow LandBanker-Juanpusong. It is really a talent to be able to express distinctly a person's sentiment in a poem. Talentadong Juanpusong...sobrang galing mo!





Back to top Go down
http://lbpea.forumotion.net
Jocal

avatar

Number of posts : 78
Registration date : 2011-03-03

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Thu Mar 14, 2013 1:13 pm

Eto na naman si dakilang Makata
Nagbabalik dahil may nadarama
Malungkot at balisa sa kawalan na ng pag-asa
Benepisyong inaasam, hanggang ngayo’y wala pa.

Tula mo juanpusong habang ito’y aking binabasa
Ako'y napabuntong-hininga at biglang naalala.
Pagdurusang ating naranasan at nadarama
Noong mga panahong umento nati’y di maibigay pa..

Ngayong mga MAKATA’y bumabalik na naman
Tila ba nagbabadyang mauulit ang nakaraan
Sama-sama tayo muli sa pakikipaglaban
Kalampagin natin ang kinauukulan upang benepisyo’y MAKAMTAN

Bukas aking susuotin ang damit na kulay itim
Kahit di bagay sa balat kong medyo madilim
Magmukha man lalong umitim ay aking titiisin
Ito'y tanda ng aking pakikiisa sa ating layunin.

Panginoon kami po’y nagsusumamo
Inyo pong haplusin puso ng aming mga amo
Nawa’y pagbigyan na kami sa aming gusto
At ibigay na sa wakas ang aming benepisyo.

Rolling Eyes
Back to top Go down
sonia
Admin


Number of posts : 1425
Registration date : 2008-12-16

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 8:55 am

Jocal wrote:
Eto na naman si dakilang Makata
Nagbabalik dahil may nadarama
Malungkot at balisa sa kawalan na ng pag-asa
Benepisyong inaasam, hanggang ngayo’y wala pa.

Tula mo juanpusong habang ito’y aking binabasa
Ako'y napabuntong-hininga at biglang naalala.
Pagdurusang ating naranasan at nadarama
Noong mga panahong umento nati’y di maibigay pa..

Ngayong mga MAKATA’y bumabalik na naman
Tila ba nagbabadyang mauulit ang nakaraan
Sama-sama tayo muli sa pakikipaglaban
Kalampagin natin ang kinauukulan upang benepisyo’y MAKAMTAN

Bukas aking susuotin ang damit na kulay itim
Kahit di bagay sa balat kong medyo madilim
Magmukha man lalong umitim ay aking titiisin
Ito'y tanda ng aking pakikiisa sa ating layunin.

Panginoon kami po’y nagsusumamo
Inyo pong haplusin puso ng aming mga amo
Nawa’y pagbigyan na kami sa aming gusto
At ibigay na sa wakas ang aming benepisyo.

Rolling Eyes

Gentleman from Basco Batanes and the pride of Region 2-Sir Jocal your talent in poetry is also amazing! I thought you're only an accounting expert but you proved me wrong. Nakakainggit talent nyo, gustong gusto ko basahin ang obra maestra nyo pero hindi ko kaya gumawa.


Back to top Go down
http://lbpea.forumotion.net
alut5724



Number of posts : 155
Age : 54
Registration date : 2011-06-14

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 9:21 am

So "moving" ang poem mo Sir Jocal...mas lalo nating nadarama ang kahirapan nating mga rank and files..
Back to top Go down
Jocal

avatar

Number of posts : 78
Registration date : 2011-03-03

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 1:03 pm

Maraming salamat po mga kaibigan

Pagkamakata ko’y lumabas lamang ng biglaan

Dahil na rin siguro sa tindi ng ating pinagdadaanan

Na hanggang ngayon tuloy sa pakikipaglaban



Isa lamang ito sa aking mga paraan

Upang mailabas tunay na nararamdaman

Minsan dinadaan din sa kantahan

Upang paghihirap ay makalimutan..
Back to top Go down
alut5724



Number of posts : 155
Age : 54
Registration date : 2011-06-14

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 1:04 pm

Bravo to you Sir Jocal...
Back to top Go down
jann

avatar

Number of posts : 52
Age : 55
Registration date : 2011-05-16

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 4:46 pm

o juan pusong ikaw ay aming kinalulugdan
sa iyong mga salitang bagaman hirap nilang pakinggan
sa mga katulad naming matagal ng ianaapak-apakan
ikaw ay isa sa mga palagian naming sinusubaybayan!

ikinararangal ka rin namin kasamang jocal
di ka man purong tagalog, ngunit lintik kung humirit naman!
sana nga'y magkaroon ng kaganapan
ating mga hinaing ay kanila ng pagbigyan! Wink
Back to top Go down
fortu



Number of posts : 64
Registration date : 2011-04-08

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Fri Mar 15, 2013 10:19 pm

KUARESMA 2013....
Back to top Go down
Jocal

avatar

Number of posts : 78
Registration date : 2011-03-03

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Sat Mar 16, 2013 11:19 am

..Iyyayyyy! Mga makata naglabasan na

Ikaw juanpusong Hari ng mga Makata

Obra maetra mo'y talagang kahangahanga

Dahil dyan kami sa iyo'y nahawa...Very Happy
Back to top Go down
fortu



Number of posts : 64
Registration date : 2011-04-08

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Sat Mar 16, 2013 9:28 pm

Jocal wrote:
..Iyyayyyy! Mga makata naglabasan na

Ikaw juanpusong Hari ng mga Makata

Obra maetra mo'y talagang kahangahanga

Dahil dyan kami sa iyo'y nahawa...Very Happy
KUARESMA!!!!Shocked DILAT ANG MATA!!!
Back to top Go down
daffodil



Number of posts : 119
Registration date : 2009-12-21

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Tue Mar 19, 2013 9:27 am

Jocal wrote:
..Iyyayyyy! Mga makata naglabasan na

Ikaw juanpusong Hari ng mga Makata

Obra maetra mo'y talagang kahangahanga

Dahil dyan kami sa iyo'y nahawa...Very Happy
KUARESMA!!!!Shocked DILAT ANG MATA!!!


maliban sa mga opisyal na nag increase ang rata Sad
Back to top Go down
juanpusong101

avatar

Number of posts : 162
Registration date : 2009-03-27

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Tue Mar 19, 2013 9:54 am

Salamat po sa lahat ng naka appreciate sa tula ko,... this is pretty much the true to life story of most landbanker sa mga panahong ito.... very contrasting several years ago wherein i can say we are living abundantly... if this trend continues every year.... i am afraid i have to do the poem writing my entire life.... he he he... sana wag naman..

Our HOPE remains.......... HOPELESS.... Ngekkk,... joke lang po...

Mam sonia, thanks po.... I'll create another one... Abangan...
Back to top Go down
buttercup



Number of posts : 38
Registration date : 2010-09-02

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Tue Mar 19, 2013 11:37 am

Mabuhay ka...Juan Pusong......U.......!!!!!!!!!!!!!
Back to top Go down
coffee light



Number of posts : 48
Age : 57
Registration date : 2012-01-05

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Tue Mar 19, 2013 11:45 pm

GUSTONG GUSTO NAMIN ANG IYONG MGA TULA JUAN PUSONG. . .PANG RANK AND FILE. . . AABANGAN PO NAMIN ANG IYONG MGA TULA ARAW ARAW. . . MARAMING SALAMAT PO! Rolling Eyes
Back to top Go down
juanpusong101

avatar

Number of posts : 162
Registration date : 2009-03-27

PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   Wed Mar 20, 2013 9:34 am

coffee light wrote:
GUSTONG GUSTO NAMIN ANG IYONG MGA TULA JUAN PUSONG. . .PANG RANK AND FILE. . . AABANGAN PO NAMIN ANG IYONG MGA TULA ARAW ARAW. . . MARAMING SALAMAT PO! Rolling Eyes


Maraming salamat din....
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....   

Back to top Go down
 
KUARESMA..... DAMANG-DAMA NA.....
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
LBPEA :: LBPEA NEWS-
Jump to: